dzme1530.ph

DHSUD, bumuo ng technical working group para sa National Shelter Month

Bumuo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng technical working group (TWG) bilang paghahanda para sa National Shelter Month sa Oktubre.

Ayon kay DHSUD Undersecretary Escolango, iba’t ibang aktibidad ang kanilang ilulunsad sa loob ng isang buwan, kasama ang key shelter agencies.

Si Escolango ang itinalagang Chairperson ng TWG na binubuo ng National Housing Authority, Pag-ibig Fund, Human Settlement Adjudication Commission, Social Housing Finance Corporation, at National Home Mortgage Finance Corporation.

Sinabi ng opisyal na ang selebrasyon ay magsisimula sa Oct. 2, araw ng Lunes sa DHSUD Central Offices at Regional Offices.

Isang linggo aniyang magkakaroon ng exhibits at mayroong mga booths sa Central Office na maaring bisitahin at mapagtanungan ng publiko. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author