dzme1530.ph

DFA may paglilinaw ukol sa napaulat na Pinay na nakasuhan ng murder sa Japan

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa akusado sa pagpatay sa mag asawang hapon ang isang Pinay na inaresto sa japan.

Ito ang kinumpima ni Foreign Affairs usec. Eduardo de Vega kasunod ng pag-abandona ng Pinay na si Hazel Ann Morales sa bangkay nina Norihiro at Kimie Takahashi.

Ang akusasyon laban sa kaniya ay ang tinatawag sa Japanese law na “abandonment”.

Ibig sabihin kapag may nakitang patay na tao na iniwanan lang at hindi ni-report sa pulis, puwede itong kasuhan ng abandonment dahil  maaaring kasabwat ito sa pagpatay pero hindi ibig sabihin na murder case.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa naturang pinay na permanent resident sa Japan.

Ayon pa kay de Vega, handa rin ang DFA na magbigay ng legal assitance sa Pinay sa korte at kailangan ng defense lawyer, kung saan gastos ito ng ating pamahalaan kung kinakailangan. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author