Hinimok ni Senate President Francis Escudero ang Department of Foreign Affairs na magkaloob ng legal assistance sa iba pang Pilipinong nakakulong sa ibayong dagat upang matiyak na sila ay mapapalaya.
Umaasa si Escudero na ang kaso ni Mary Jane Veloso ay una lamang sa mga matagumpay na matutulungan ng gobyerno sa mga Pilipinong nahaharap sa mga kaso sa iba’t ibang bansa.
Iginiit ng senate leader na dapat maramdaman ng mga manggagawang Pinoy sa iba’t ibang bansa ang kamay ng gobyerno at protektahan sila at ibigay ang anumang tulong na maibibigay sa kanila.
Dapat aniyang magtulong ang DFA at ang Department of Migrant Workers tuwing may mag kaso ng Pinoy na nahaharap sa pagsubok sa ibayong dagat.
Bahagi ng tulong ng gobyerno ang pagbabantay sa pamilya ng mga OFW upang matiyak na maayos din ang kanilang kalagayan. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News