dzme1530.ph

DFA, dapat bigyan ng confidential fund, ayon kay Sen. dela Rosa

Iminungkahi ni Senator Ronald Bato dela Rosa na pagkalooban ng confidential funds ang Department of Foreign Affairs para sa tinawag niyang James Bond purposes operations.

Sinabi ni dela Rosa na sa mga bansa sa mundo ay ang Pilipinas lamang ang walang James Bond at malaki ang kanilang investment sa kanilang DFA na dapat anya nating gayahin.

Gayunman, iginiit ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na hindi sila nanghihingi ng confidential fund sa panig ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, iginiit na hindi dapat pagkalooban ng confidential fund ang DFA para hindi na sila magkaroon ng sakit ng ulo.

Una pang inakala ni dela Rosa na confidential fund ang pinag-uusapan nang magtanong si Pimentel ukol sa contigent fund na natanggap ng DFA.

Ayon sa DFA, pinabigyan sila ngayong taon ng Office of the President ng $500,000 mula sa contingent fund na ginamit nila sa pagbibigay ng tulong sa mga bansa  na sinalanta ng kalamidad.

Kinatigan naman ito ni Pimentel dahil tumutulong din naman aniya ang ibang bansa kapag nagkakaroon dito ng kalamidad. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author