dzme1530.ph

Detainee na si Jad Dera, 6 NBI security officers, kakasuhan ng NBI

Kakasuhan ng Department of Justice ang detainee na si Jad Dera at anim na Security Officers ng National Bureau of Investigation.

Sinabi ng DOJ na ang criminal information laban kina Dera, NBI Security Officer II Randy Godoy, at NBI Job Order personnel Arnel Ganzon, Diana Rose Novelozo, Lee Eric Loreto, King Jeroh Martin, at Pepe Peidad Jr., ay ihahain sa Manila City Regional Trial Court.

Kakasuhan si Godoy ng paglabag sa Article 223 ng Revised Penal Code habang sina Dera at iba pa ay sasampahan ng paglabag sa Article 156.

Inaresto si Dera, kasama ang security personnel noong Hunyo makaraang lumabas ng NBI Facility gamit ang marked vehicle sa alibi na magpapa-check-up ang detainee at kawalan ng Court Order.

Nadiskubre na nakipagkita ang mga ito sa kaibigang babae ni Dera at naghapunan sa isang restaurant sa Makati City. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author