dzme1530.ph

Desisyon sa hirit na umento sa sahod ng mga manggagawa sa NCR, ilalabas ng wage board sa susunod na buwan

Inaasahang dedesisyunan ng National Capital Region Tripartite Regional Wages and Productivity Board sa susunod na buwan ang petisyon ng labor sector para sa bagong minimum wage na P1,160 o P590 na increase mula sa kasalukuyang P570 na daily take-home pay.

Sinabi ni DOLE NCR Regional Director Sarah Buena Mirasol na magkakaroon sila ng deliberasyon hinggil sa hirit na umento sa sahod ng mga manggagawa sa susunod na linggo.

Idinagdag ni Mirasol na kung mapagbibigyan ang kahilingan ay magkakaroon ng increase, subalit ang sunod naman aniya na pagpapasyahan ay kung magkano ang umento.

Ang huling wage increase para sa NCR Workers na inaprubahan noong May 13, 2022, ay nagkakahalaga lamang ng P33. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author