Suportado ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang desisyon ng Pang. Ferdinand Marcos Jr., na manatiling kalihim ng Department of Agriculture (D.A).
Ayon kay Manila Chapter – PFP national President Governor Reynaldo Tamayo Jr., ng South Cotabato, mahalagang nababantayan ng Pangulo ang sektor ng agrikultura upang magsilbing hadlang sa mga gumagawa ng katiwalian.
Kailangan anilang mabantayan ng Pangulo ang DA para higit na mapangalagaan ang kapakanan ng mga magsasaka at masugpo ang mga sindikato ng smuggler, lalo na ng mga produktong agrkultura.
Panahon na rin aniya na maging pro-active ang Bureau of Customs sa pagbabantay sa mga smuggler.
Bukod rito, sinusuportahan ng partido ang “no to peace talks” policy ng Administrasyong Marcos lalo na at naniniwala silang maliit na puwersa na lamang ang nalalabi sa mga rebelde o kumakalaban sa pamahalaan.
Sa pamamagitan aniya ng mga programa ng gobyerno sa countryside, ay nagbabalik-loob na sa pamahalaan ang mga kababayan natin na umanib noon sa mga kilusan.
Samantala, dunagdag din ng gobernador ng Partido Federal ng Pilipinas na mayroon ng 60% sa hanay ng mga lokal na opisyal ng bansa ang sumapi na sa Partido Federal ng Pang. BBM na magpapalakas sa isinusulong na Federal Form ng gobyerno. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News