Ikinalugod ng mga drayber at operator ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) ang desisyon ng LTRFB na luwagan ang requirements para makakuha ng prangkisa.
Sa isang pahayag, pinuri ni TNVS community representative at TNVS Alliance PH Chairperson Aylene Paguio ang pag-alis ng ahensya sa Certificate of Conformity (COC) para makakuha ng Certificate of Public Convenience (CPC).
Matatandaang inanunsyo ng LTFRB nitong weekend ang pag-alis sa COC na magmumula sa Bank o Financial Institution, bilang bahagi ng kanilang commitment na tumalima sa Republic Act 11032 o Ease of doing business and efficient government delivery service act of 2018.
Batay sa inilabas na Resolution no.5 Series of 2023 ng LTFRB, sinabi nito na ang pagre-require ng COC ay sanhi lamang ng cause of delay o dismissal ng aplikasyon para sa pagkuha prangkisa.