dzme1530.ph

Desisyon ng korte sa petisyon ni Ex-Sen de Lima, ikinadismaya ng Gabriela

Ikinadismaya ng grupong Gabriela ang pagbasura ng korte sa petisyon ni dating Senadora Leila de Lima na makapagpyansa kaugnay sa natitira nitong kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ang mga kasong isinampa kay de Lima ay malinaw na pag-uusig o ganti sa pagiging kritiko nito at pag-iimbestiga sa umano’y Extra Judicial Killings sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Ani Brosas, patuloy silang maninindigan upang mabigyan ng due process si de Lima at mariin nilang kinokondena ang mga polisiya ng gobyerno na laban sa mga mahihirap.

Nito lamang Martes, nang makibahagi ang Gabriela Women’s Party sa isinagawang misa at kilos protesta sa labas ng Muntinlupa RTC para sa pagdinig ng nalalabing kaso at panawagang palayain si de Lima.

About The Author