dzme1530.ph

Dept. of Corrections, pinabubuo ng isang mambabatas

Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Rep. Brian Raymund Yamsuan ang pagbuo ng Department of Correction sa bansa.

Ayon kay Yamsuan, layon nito na pagsama-samahin ang Corrections, Jail at Probation Management Systems ng pamahalaan sa iisang sistema sa ilalim ng isang departamento.

Makakatulong din aniya ito na tugunan ang isyu ng siksikan sa mga kulungan, pag-aabuso at korapsyon sa mga penal facility.

Sa pamamagitan ng proposed department, matututukan ang karapatan ng mga PDL mula sa kanilang pagkakakulong hanggang sa rehabilitation at sa pagbalik nito sa lipunan.

Iginiit ng mambabatas na makikipagtulungan siya kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla at Interior Sec. Benjamin Abalos Jr. para makuha ang kanilang inputs sa naturang panukala. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author