Handang alisin ng Pilipinas ang deployment ban sa pagpapadala ng first time Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Kuwait pero may kondisyon.
Ito ang iginiit nina Dept. of Foreign Affairs Usec. Eduardo Jose de Vega, at Dept. of Migrant Workers Usec. Hans Leo Cacdac na tatanggalin lamang ng bansa ang deployment ban na ipinatupad noong Pebrero kung titiyakin ng Kuwait ang proteksyon ng mga OFW, maging ang pananatili ng shelter o kanlungan ngg tumakas na Pinoy workers mula sa malupit nilang amo.
Nabatid na ang pagsususpinde ng Kuwait sa paglalabas ng working visa sa mga OFW ay bunga umano ng paglabag ng Pilipinas sa mga kasunduan ng dalawang bansa.
Kahapon, May 15 nang tumulak patungong Kuwait ang mga kinatawan ng DFA, DMW, at OWWA para alamin kung bakit pinatawan ng Kuwaiti Gov’t ng entry ban ang mga Pinoy skilled wokers. —sa panulat ni Airiam Sancho