dzme1530.ph

DepEd, tiniyak na sapat ang pampublikong mga paaralan para i-accommodate ang SHS students mula sa SUCs

Sapat ang bilang ng mga pampublikong paaralan para ma-accommodate ang halos halos 18,000 incoming grade 12 students na apektado ng paghinto ng Senior High School (SHS) program sa State Universities and Colleges at Local Universities and Colleges.

Ayon kay Dept. of Education Assistant Sec. Francis Bringas, nakikipag-ugnayan na sila sa lahat ng regional offices at schools division office para tanggapin ng public schools ang nasabing bilang ng mga mag-aaral.

Sa 17,700 learners, posible aniya na nasa 250 students ang average number na pwedeng i-accommodate bawat division office.

Una nang inihayag ni DepEd Usec. Michael Poa na mayroon lamang dalawang opsyon ang mga apektadong SHS learners, kabilang dito ang mag-enroll sa public schools na nag-aalok ng basic education o kaya naman ay mag-enroll sa private schools at mag-avail ng voucher program. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author