dzme1530.ph

DEPED, tiniyak na malapit nang mabawasan ang Administrative load ng mga guro

Malapit nang maglabas ang Department of Education (DEPED) ng mga panuntunan para mabawasan ang Administrative load ng mga Guro.

Ayon kay DEPED Spokesman Michael Poa, isa sa malaking reklamo ng mga guro ay ang sandamakmak na Admin tasks, kaya naman sa mga susunod na linggo ay maglalabas ang ahensya ng Interim Guidelines upang agad mabawasan ang trabaho ng Teachers at ililipat ito sa Non-Teaching personnel.

una Nang inihayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na napunan na ng pamahalaan ang 90% ng bagong likhang non-teaching jobs, subalit hindi nito tinukoy kung gaano karami ang naturang posisyon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author