dzme1530.ph

DepEd, sisimulan ang pilot run ng recalibrated K-10 “Matatag” curriculum sa Sept. 25

Sisimulan ng Department of Education ang pilot implementation ng recalibrated Kindergarten to Grade 10 (K-10) curriculum sa basic education sa Sept. 25 sa ilang piling paaralan sa buong bansa.

Ayon sa Deped, 35 paaralan ang lalahok sa pilot run ng bagong “Matatag K-10” curriculum na inilunsad noong Aug. 10.

Kabilang sa mga ito ang limang paaralan sa National Capital Region, partikular sa Malabon City.

Tig-li-lima ring eskwelahan mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Visayas, Soccsksargen, at Caraga, ang makakasama rin sa pilot implementation.

Una nang inihayag ni Deputy Spokesperson Assistant Secretary Francis Bringas na iko-consolidate ng ahensya ang lahat ng findings at resulta ng pilot run bilang paghahanda para sa phased implementation sa mga darating na taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author