dzme1530.ph

DepEd, pinag-aaralan ang mga panukala na ibalik sa June to March ang school calendar

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang posibilidad na ibalik ang June to March school calendar, tatlong taon makaraang ipatupad ang August to June schedule.

Bukod sa tapos na ang pandemya, ang posibleng pagbabalik sa dating school calendar ay makagagaan sa epekto ng tag-init sa mga mag-aaral at mga guro.

Ito rin ang lumabas na resulta sa isinagawang konsultasyon ng DepEd sa mga paaralan, guro, magulang, at student leaders noong Jan. 15.

Ayon kay DepEd Deputy Spokesperson at Assistant Secretary Francis Bringas, napagkasunduan na magkakaroon ng minor adjustments subalit hindi agad-agad ang pagbabalik ng schedule ng pasukan sa Hunyo ngayong taon.

Aniya, posibleng sa 2025-2026 pa ito masimulan pero para sa susunod na School Year 2024-2025 ay sa Hulyo magbubukas ang mga klase. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

 

About The Author