dzme1530.ph

DepEd, nilinaw na hindi mandatory ang learning camp

Hindi obligado ang mga mag-aaral na maging bahagi ng National Learning Camp (NLC) Program na sisimulan ng Department of Education sa Grade 7 at 8 ngayong buwan ng Hulyo.

Sa Department Order na ni-release kahapon, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang NLC ay isang voluntary learning recovery program na i-a-alok sa tuwing magsasara ng school year.

Depende sa pangangailangan, ang mga estudyante na magbo-volunteer para sa programa ay i-e-enrol sa isa sa tatlong kampo, na kinabibilangan ng enhancement, consolidation, at intervention.

Base sa guidelines na kasama sa department order, ang phase implementation ng NLC ay magsisimula sa school break para sa Grades 7 at 8 sa English, Science, at Mathematics.

Palalawakin ito sa iba pang grade levels at learning areas sa mga susunod na school year, subject sa issuance ng hiwalay na guidelines. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author