dzme1530.ph

DepEd, ilalaan ang mga araw ng Biyernes sa pagbabasa simula sa 2024

Lahat ng paaralan sa bansa ay obligadong magkaroon ng isang buong araw na reading program tuwing Biyernes simula sa Enero.

Ito, ayon kay Vice President at Education Sec. Sara Duterte, ay bilang bahagi ng pinakabagong hakbang ng DepEd upang hasain ang literacy o ang karunungang bumasa at sumulat ng mga mag-aaral.

Sinabi ni VP Sara na kasalukuyang bumabalangkas ng polisiya ang ahensya na magsisilbing gabay ng mga eskwelahan sa pagpapatupad ng “Catch-up Fridays” simula sa January 12.

Ginawa ng DepEd Secretary ang anunsyo sa pangwakas na aktibidad ng kagawaran para sa National Reading Month.

Sa ilalim ng “Catch-Up Fridays” program, ang mga mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Grade 12 ay magbabasa at pagsusulatin ng mga sanaysay o essays, book reviews at iba pang kahalintulad na outputs.

Idinagdag ni Duterte na bagaman nakatutok ang programa sa pagbabasa, maari ring samahan ito ng iba pang subjects sa Peace Education, Health, at Values Education. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author