Hindi nakapag-remit ang Central Office at 12 regional offices ng Department of Education (DepEd) ng kabuuang P5.5-B na taxes, insurance contributions, at loan payments na kinaltas sa mga guro at non-teaching personnel, hanggang noong katapusan ng 2022.
Sinabi ng Commission on Audit (COA) na dahil dito, maaring mapatawan ang mga guro at iba pang DepEd staff ng penalties, mabawasan ang kanilang mga benepisyo, at magkaroon ng unwarranted interests.
Kabilang sa mga hindi ni-remit ng DepEd ang P4.47 billion sa Government Service Insurance System (GSIS); P307.034 million sa PhilHealth; P193.768 million sa Pag-IBIG; at P572.6 million sa Bureau of Internal Revenue.
Ang Regional DepEd Offices naman na mayroong pinakamalaking unremitted amounts ay kinabibilangan ng Central Luzon, Bicol, Western Visayas, at Zamboanga Peninsula. —sa panulat ni Lea Soriano