Nanawagan ang advocacy groups sa Department of Education at Commission on Higher Education na paigtingin pa ang kanilang mga hakbang upang maresolba ang talamak na pagbe-vape ng kabataan.
Sa joint statement, hinimok ng Child Rights Network at Parents Against Vape ang dalawang ahensya na magkaroon ng mas aktibong papel sa pagpapatupad ng Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Regulation Act.
Sinabi ni CRN Convenor Romeo Dongeto na bagaman ang Department of Trade and Industry ang nag-isyu ng Administrative Order para ipatupad ang batas, naniniwala sila na ang education agencies ang mas nasa strategic position upang ma-solusyunan ang “Vape Epidemic” sa kabataan.
Kabilang sa mungkahi ng advocacy groups ay mag-release ang DepEd at CHED ng mga panuntunan upang matiyak na walang bentahan ng Vape at E-cigarettes na magaganap sa loob ng 200-meter radius ng paaralan.