dzme1530.ph

Denver Nuggets, naungusan sa 2-1 ang Miami Heat matapos manalo sa Game 3 ng NBA Finals

Pinanagunahan nina Nikola Jokic at Jamal Murray ang Denver Nuggets para sa 2-1 lead kontra Miami Heat sa Game 3 ng NBA Finals.

Nakatulong ang home court advantage para tapusin ng Nuggets ang laro, kanina, sa score na 109-94.

Ang Serbian na si Jokic ay nakapagtala ng 32 points, 21 rebounds at 10 assists habang si Murray ay nag-ambag ng 34 points at 10 rebounds.

Ang Game 4 ng series ay gaganapin sa balwarte ng Heat sa Sabado ng umaga (oras sa Pilipinas). —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author