dzme1530.ph

DENR, tatlong beses kada linggo gagawin ang air at water sampling sa Oriental Mindoro

Binigyang-diin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na tatlong beses kada linggo nila gagawin ang pagkuha ng sample ng hangin at tubig sa Oriental Mindoro. 

Ayon kay DENR Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga, ito ay upang malaman ang kaligtasan ng karagatan mula sa oil spill matapos lumubog ang MT Princess Empress na may kargang 800,000 liters ng industrial fuel oil. 

Sa unang test na isinagawa noong isang araw, negatibo sa anumang polusyon ang hangin habang hinihintay pa ang resulta ng sample ng tubig. 

Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang ilang lugar sa Oriental Mindoro dahil sa naturang insidente.

About The Author