dzme1530.ph

DENR, kinansela ang kasunduan sa developer ng Masungi Georeserve

Loading

Inanunsyo ng Department of the Environment and Natural Resources (DENR) na kinansela nila ang 2022 agreement sa Blue Star Corp., ang kumpanyang nag-develop ng Masungi Georeserve bunsod ng umano’y iligalidad sa kontrata.

Kabilang sa tinukoy na dahilan kaya kinansela ng DENR ang supplemental agreement sa Blue Star ay ang kawalan ng required proclamation na nagde-deklara sa kontrata para sa housing purposes;

Wala ring dokumento na magpapatunay na ang panukalang konstruksyon ay sumailalim sa regular procurement o bidding process;

At kabiguan na ma-deliver ng kumpanya ang 5,000 units na garden cottages housing project sa loob ng limang taon mula nang lagdaan ang kasunduan noong Nov. 15, 2002.

Sinabi ni DENR Assistant Secretary for Legal Affairs Norlito Eneran na batay sa pinirmahang Letter of Cancellation ng Kagawaran, dapat nang bakantehin ng Blue Star ang Masungi Geopark.

About The Author