Inaasahang mahina pa rin ang demand sa manok sa mga susunod na quarter sa gitna ng pagtitipid ng mga Pilipino bunsod ng lumalaking gastos, kabilang na ang halaga ng ibang pagkain.
Ayon kay United Broiler Raisers Association (UBRA) President Elias Inciong, napakahina ng demand sa manok at posibleng hindi agad makarerekober, dahil sa pagtaas ng ibang gastusin, gaya ng kuryente, pasahe, bigas, at iba pa.
Sa pagtaya ng UBRA, as of Aug. 18, ang average farmgate price ng regular-sized at prime broiler chicken ay bumaba sa P113 mula sa P118 noong nakaraang buwan. —sa panulat ni Lea Soriano