dzme1530.ph

Deklarasyon ng half-day na trabaho para bukas, fake news

Kinumpirma ng Presidential Communications Office na fake news ang kumalat sa social media na umanoy pagde-deklara ng half-day na pasok sa trabaho sa buong bansa para bukas, Dec. 22.

Ito ay matapos ibahagi ni Presidential Assistant for Strategic Communications Cesar Chavez ang umanoy proclamation no. 427 na pirmado ni Executive Sec. Lucas Bersamin, na nag-deklara ng half-day bukas.

Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, negatibo at fake news ang nasabing half-day proclamation.

Sa ngayon ay hinihingan na ng reaksyon ang Malacañang kaugnay ng kawalan ng maayos na koordinasyon sa kanilang mga opisyal. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author