dzme1530.ph

Defense Chief, ipinagtanggol ang AFP sa pagbaliktad ng dalawang environmental activists

“Hindi tanga ang AFP.”

Reaksyon ito ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa pagbaliktad ng dalawang environmental activists na iniharap ng National Task Force to End Local Comunist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa press conference sa Bulacan noong Martes.

Binigyang diin ni Teodoro na hindi mangingidnap ang AFP saka ipasu-surrender sa harap ng maraming tao, na maaring magpabaliktad sa kanila.

Idinagdag ng kalihim na hindi lang siya nakadepende sa statement ng militar, kundi maging sa iba pang testigo na nagsabing boluntaryong sumuko sina Jhed Tamano at Jonila Castro.

Sa presscon na inorganisa ng NTF-ELCAC, ibinunyag ng dalawang aktibista na dinukot sila ng mga sundalo at hindi totoo na sila ay sumuko. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author