Hindi pinaglagpas ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ang sinabi ng tagapagsalita ng Foreign Ministry ng China na magbasa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng mga libro tungkol sa isyu sa Taiwan.
Binuweltahan ni Teodoro si Mao Ning sa pagsasabing ano pa nga ba ang aasahan mula sa isang tauhan ng isang partido at sistema ng gobyerno na taliwas sa paraan ng ating pamumuhay, at nagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Sinabi ni Teodoro na insulto hindi lamang kay Pangulong Marcos, kundi sa buong sambayanang Pilipino ang binitawang salita ni Mao, na nagpababa hindi lamang sa sarili nito, kundi pati na rin sa ahensya at partido na kanyang kinakatawan.
Noong Lunes ay nagpaabot ng pagbati si Pangulong Marcos sa bagong halal na Presidente ng Taiwan na si Lai Ching-Te, na ikinasama naman ng loob ng China. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera