Ibinasura ng US Judge ang Defamation Counterclaim ni Donald Trump laban sa writer na si E. Jean Carroll, na nanalo ng $5-million jury verdict para sa defamation and sexual assault laban sa dating US President noong Mayo.
Sinabi ni US District Judge Lewis Kaplan na dapat lang na ibasura ang defamation claim ni Trump dahil “substantially true” ang statement ni Carroll.
Nabigo rin aniya ang dating presidente ng Amerika na patunayan na ginawa ng writer ang pahayag sa paraang malisyoso.
Inihain ni Trump ang kanyang counterclaim sa pangalawang defamation lawsuit na isinampa ni carroll kung saan nagde-demand ito ng atleast $10 million. —sa panulat ni Lea Soriano