Target ng gobyerno na ma-kumpleto sa 2025 ang decommissioning sa lahat ng dating combatants ng Moro Islamic Liberation Front.
Ito ay kasabay ng pagtitiyak ng Office of the Presidential Adviser on the Peace, Reconciliation and Unity na ipagpapatuloy ng administrasyon ang commitments sa Bangsamoro Peace Agreement.
Nagpasalamat si OPAPRU Director Wendell Orbeso kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa pagsasama sa decommissioning ng sa kanyang priority peace legacy agenda.
Iginiit ni Orbeso na ang prosesong ito ang hudyat ng pagsisimula ng transpormasyon at pagbabalik-loob ng dating combatants ng MILF, tungo sa pagiging masunurin at produktibong mamamayan.
Mababatid na ang Bangsamoro Peace Process ay naresolba noong 2017 sa pamamagitan ng paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro, pagpasa ng Bangsamoro Organic Law, at ang idinaos na plebisito noong 2019. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News