dzme1530.ph

Dec. 26, idineklarang Special non-working day

Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Dec. 26, araw ng Martes, bilang Special non-working day.

Sa Proclamation no. 425, nakasaad na ito ay upang bigyan ng buong oportunidad ang mga Pilipino na ipagdiwang ang holiday season kasama ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.

Dahil dito, mas pinahaba pa sa apat na araw ang long weekend simula sa Dec. 23 araw ng Sabado, hanggang sa Dec. 26.

Mababatid na ang Dec. 25 araw ng pasko ay deklaradong isang regular holiday.

Sinabi naman sa proklamasyon na ang long weekend ay maghihikayat sa mga pamilya na magsama-sama upang pagtibayin ang kanilang relasyon, at makagaganda rin ito sa domestic tourism. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author