dzme1530.ph

Debt-to-GDP ratio ng bansa, nagtapos sa 60.2% noong 2023

Bahagyang bumaba sa 60.2% ang outstanding debt ng national government bilang bahagi ng gross domestic product (GDP) sa pagtatapos ng 2023.

Sa tala ng Bureau of Treasury, pumalo sa record high na P14.62-T ang utang ng pamahalaan hanggang noong katapusan ng 2023, na 8.92% o P1.2-T na mas mataas kumpara noong 2022.

Ang ratio ay mas mababa kumpara sa 60.9% noong katapusan ng 2022, at sa 61.2% target sa ilalim ng medium-term fiscal framework ng gobyerno.

Gayunman, bahagya pa rin itong mas mataas sa 60% threshold na ikinu-konsidera ng multilateral lenders upang maging manageable para sa developing economies. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author