Lumobo ng 155% ang debt service bill sa foreign borrowings sa unang anim na buwan ng taon.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nagbayad ang bansa ng $7.46 billion na debt service simula Enero hanggang Hunyo, mula sa $2.92 billion na ibinayad sa kaparehong panahon noong 2022.
Sa tala ng BSP, umakyat ng $125.6 ang principal payments sa $4.18 billion habang ang interest payments ay lumobo ng 73.4% o sa $1.85 billion. —sa panulat ni Lea Soriano