dzme1530.ph

Debt service bill ng national government, lumobo ng mahigit 15% noong Setyembre

Lumobo ng 15.46% ang Debt Service Bill ng pamahalaan noong Setyembre kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa Bureau of Treasury, umabot sa P238.999 billion ang debt service noong ika-siyam na buwan ng 2023.

Mas mataas din ito ng 26.4% mula sa P19.027 billion na naitala noong Agosto.

Lumobo ng 13.9% o sa P167.551 billion ang principal payments noong Setyembre habang naitala sa P71.448 billion ang interest payments na mas mataas ng 19.28% mula sa kaparehong buwan noong nakaraang taon. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author