Umakyat sa P907.93 billion ang debt payments ng pamahalaan sa unang anim na buwan ng taon, bunsod ng pagtaas ng principal amortization.
Sa preliminary data mula sa Bureau of Treasury (BTr), lumobo ng 98% ang binayarang utang ng gobyerno simula Enero hanggang Hunyo mula sa P458.355 billion sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa unang anim na buwan ng 2023, mahigit two-thirds o 68.89% ng debt service bill ay napunta sa amortization.
Ang principal payments naman hanggang noong katapusan ng Hunyo ay pumalo sa P625.47 billlion, mahigit triple ng P201.14 billion na binayaran noong 2022. —sa panulat ni Lea Soriano