dzme1530.ph

Death toll sa Maui wildfires sa Hawaii, umakyat na sa 36

Umakyat na sa 36 ang bilang ng mga nasawi sa wildfire sa resort town ng Lahaina sa Maui Island sa Hawaii.

Kasunod ng wildfire ay tumambad ang umuusok na mga guho mula sa mga kabahayan, establisyimento at mga nasunog na sasakyan na nagkalat sa mga kalsada ng Lahaina, na pinakamalaking tourist destination sa Maui at pinagtayuan ng malalaking hotels.

Tatlong magkakahiwalay na sunog sa Maui ang inapula ng mga bumbero, kabilang ang naminsala sa ilang bahagi ng Kula, pati na sa Kihei sa katimugang bahagi ng Isla. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author