dzme1530.ph

Death toll sa lumubog na bangka sa Davao Oriental, pumalo na sa 2 —PCG

Pumalo na sa dalawang katao ang nasawi makaraang lumubog ang isang bangka sa karagatang sakop ng Baganga, Davao Oriental.

Ayon sa Philippine Coast Guard, narekober ng isang crew mula sa L/B OBET 3 ang bangkay na kinilala bilang isa sa mga nawawalang crew ng fishing boat na Genesis 2.

Mula sa 23 crew, 14 dito ang nasagip ng BRP Tubbataha, habang 7 katao pa ang patuloy na hinahanap.

Kahapon, June 22, nang sabihin ng kapitan ng Genesis 2 na nakaranas sila ng biglaang pagbabago sa kondisyon ng dagat bandang alas-12 ng hatinggabi, na dahilan para lumubog ang sinasakyang bangka. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author