dzme1530.ph

Death toll sa Japan earthquake, sumampa na sa 161

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi sa malakas na lindol na tumama sa Japan noong January 1.

Sa datos ng mga otoridad, pumalo na sa 161 ang death toll, habang 103 individuals ang nawawala makaraang yanigin ng 7.6 magnitude earthquake ang Ishikawa Prefecture.

As of January 7, umabot na sa mahigit 2,000 na katao ang na-apektuhan ng lindol.

Nahihirapan naman ang mga rumeresponde dahil sa nararanasang pag-ulan ng nyebe, at kawalan ng kuryente.

Sa ngayon, patuloy na namamahagi ng tulong ang gobyerno ng Japan para mga nasalanta ng lindol. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author