Sumampa na sa 13 ang bilang ng mga nasawi dahil sa pananalasa ng nagdaang bagyong Egay at Southwest Monsoon o Habagat.
Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kaninang alas-8 ng umaga, 6 sa nakumpirmang namatay ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 6.
7 rin sa nasabing bilang ang patuloy na bineberipika, na mula naman sa CAR, CALABARZON, Region 6, at Region 1.
Nakapagtala rin ang NDRRMC ng 12 indibidwal na sugatan mula sa Region 1, CALABARZON, Region 6, at Region 11, at 20 iba pa na nawawala sa Region 2 at CAR.
Pumalo naman sa 140, 923 families o katumbas ng 502, 782 individuals ang kabuuuang bilang ng mga naapektuhan.
Nakapamahagi na rin ang pamahalaan ng mahigit P18-M halaga ng tulong sa mga biktima ng masamang panahon.
Samantala, tinatayang aabot sa mahigit P58-M ang danyos sa sektor ng agrikultura habang nasa halos 660,000 at ang pinsala sa sektor ng imprastruktura. —sa panulat ni Airiam Sancho