dzme1530.ph

Deadline sa pagsusumite ng bid para sa renewable energy sites, ipinagpaliban

Itinakda ng Dept. of Energy ang deadline ng bid submission ng 20 renewable energy sa September 28, 2023 mula sa August 29, 2023.

Ayon kay DOE Assistant Secretary Mylene Copongcol, inurong nila ang petsa upang matiyak ang malawak na partisipasyon sa 4th Open and Competitive Selection Process (OCSP4).

Ito rin aniya’y para makapagbigay ng oras sa mga prospective bidder na makapaghanda at makapagsumite ng proposal.

Napag-alaman na nasa 20 pre-determined areas na may combined renewable energy capacity na mahigit 247.98 megawatts ang ibi-ibid ng ahensya. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author