dzme1530.ph

Deadline ng Sim Registration, pina-eextend!

Maka-aapekto sa digital transformation ang kabiguang makapagrehistro ng SIM cards ng milyun-milyong Pilipino.

Ito ayon kay Camarines Sur Rep. Lray Villafuerte, posibleng maging hadlang ang mga ito sa pagpapabilis ng digital transformation na pinagsisikapang makamit ng Administrasyong Marcos.

Kaugnay nito, hiniling ni Villafuerte sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na i-extend ang April 26 deadline ng 1 o 2 buwan dahil may 100 milyong sim card holders pa aniya ang hindi pa nakakapagparehistro.

Babala ni Villafuerte, mawawala sa digital at financial inclusion ang mga Pilipinong bigong makaabot sa deadline ng sim registration dahil sa automatic deactivation ng kanilang SIM cards.

About The Author