dzme1530.ph

Deadline ng Sim card registration sa bansa, pinalawig ng 90 days

Inanunsiyo ni Justice sec. Jesus Crispin ‘’Boying’’ Remulla na extended nang 90 araw ang deadline ng SIM card registration sa bansa.

Layon ng extension na makahabol pa ang mga subscribers na hindi pa nag-papatala ng kanilang mga sim card.

Matatandaan na inanunsyo kamakailan ng National Telecommunications Commission (NTC) na kinakailangang i-enroll ng lahat ng mobile subscriber ang kanilang SIM hanggang Abril 26, 2023.

Kasunod ito ng isinasagwang pagpupulong ngayong araw sa tanggapan ng DOJ na pinangunahan ni Remulla, ukol sa kumalat na oil spill sa Oriental Mindoro. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author