dzme1530.ph

Deadline ng consolidation ng PUV operators, hindi na ie-extend sa kabila ng nakaamba na namang transport strike —PBBM

Hindi na palalawigin ang deadline ng consolidation para sa Public Utility Vehicles (PUV) operators.

Ito ang inanunsyo ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos ang pakikipagpulong sa transport officials, sa harap ng nakaamba na namang transport strike ng grupong PISTON laban sa traditional jeepney phaseout.

Ayon sa Pangulo, 70% na ng operators sa bansa ang nag-commit o nakapag-consolidate na sa ilalim ng PUV Modernization Program.

Kaugnay dito, hindi umano dapat hayaan ang minorya na magdulot ng delay, na makaka-apekto sa mayorya ng operators, mga bangko, financial institutions, at sa publiko.

Iginiit pa ni Marcos na ang pagsunod sa kaukulang timeline ay magtitiyak sa full operationalization ng modernized public transport system, para sa kapakinabangan ng lahat. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author