Kampante ang Dep’t of Budget and Management na maisusumite nila sa takdang oras sa kongreso ang proposed P5.76-T national budget sa susunod na taon.
Ito ay matapos aprubahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 2024 National Expenditure Program.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, alinsunod sa Saligang Batas ay isusumite sa kongreso ang proposed budget ilang linggo o sa loob ng 30-araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address ng Pangulo sa July 24.
Sinabi naman ni Pangandaman na dahil sa limitadong fiscal space, ang mga programa at proyektong isinama sa budget ay tiniyak na handa na sa implementasyon.
Siniguro rin na malinaw at kumpleto ang budget proposals ng bawat tanggapan, at suportado ito ng feasibility studies at annual procurement plans.
Ipinatitiyak din sa bawat ahensya ang kahandaang ipagtanggol ang 2024 budget sa Congress deliberations. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News