Susunod ang Dep’t of Budget and Management sa desisyon ng Office of the Ombudsman kaugnay ng isyu sa sinasabing overpriced laptops na binili para sa Dep’t of Education.
Iniutos na ni Budget Sec. Amenah Pangandaman ang pag-suspinde sa mga dati at kasalukuyang opisyal ng DBM procurement service na pinangalanang dawit sa isyu, alinsunod sa rekomendasyon ng Anti-Graft Body.
Kasabay nito’y sinabi ng DBM na humiling na rin mismo ang kasalukuyang pamunuan ng PS DBM ng independent investigation mula sa National Bureau of Investigation upang matukoy kung may iregularidad at paglabag ang nasabing procurement ng laptops.
Tiniyak din ng ahensya na patuloy nitong itataguyod ang reporma, integridad, at pagtataas ng standards ng transparency sa gobyerno. –ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News