dzme1530.ph

DBM, nakapag-release na ng 61.4% ng 2023 national budget hanggang noong Pebrero

61.4% ng 2023 National Budget ang nai-release na ng Department of Budget and Management hanggang noong katapusan ng Pebrero.

Sa kanilang Status of Allotment Release report, sinabi ng DBM na P3.23-T ng budget ang nailabas na sa National Agencies at Local Government Units (LGUs).

Bunsod nito, P2.033-T ang nananatiling undistributed mula sa 5.268-T peso budget ngayong 2023.

Bahagyang mas mabilis ang pagpapalabas ng naturang pondo kumpara sa 60.8% rate na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Hanggang noong katapusan ng Pebrero ay nakapag-release na ang government agencies at departments ng P2.7-T o  85.9% ng naibigay sa kanilang pondo.

Nakapaglabas na rin ng kabuuang P101.9-B na special purpose fund, na may utility rate na 19.8%.

About The Author