Nagpasalamat ang Dep’t of Budget and Management sa liderato ng Senado at Kamara para sa pag-ratipika sa panukalang P5.768-T 2024 national budget.
Ayon kay Budget Sec. Amenah Pangandaman, ang mabilis na pag-ratipika sa budget ay nagpapakita ng commitment at suporta ng mga mambabatas tungo sa pagpasa ng national budget sa takdang oras.
Malaking tulong din ito sa pagkakamit ng medium-term fiscal framework, at 8-point socioeconomic agenda ng administrasyon.
Sinabi ng DBM na pinaka-malaki ang alokasyon sa edukasyon at social services sector na tututok sa kalusugan, kultura, manpower development, social security, welfare, at employment.
Inilaan din ang P1.42-T para sa Build-Better-More Program, na mas mataas ng 6.6% kumpara sa alokasyon sa kasalukuyang taon. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News