Naglabas ang Dep’t of Budget and Management ng mahigit ₱1-B para sa one-time rice assistance sa mga kuwalipikadong empleyado ng mga ahensya ng national gov’t.
Inaprubahan ni Budget sec. Amenah Pangandaman ang Special Allotment Release Order at Notice of Cash Allocation, at ibinaba ang ₱1.18-B sa National Food Authority.
Kabuuang 1,892,648 gov’t workers kabilang ang job order at contract of service personnel ang makikinabang sa rice assistance.
Sinabi ni Pangandaman na alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dapat tiyakin ang kapakanan ng mga manggagawa sa pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga pangangailangan sa bahay.
Layunin din nitong mapalakas ang produksyon ng mga lokal na magsasaka.
Matatandaan sa pamamagitan ng Administrative Order no. 2 ay ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang pamamahagi ng one-time assistance na 25 kilos ng bigas sa lahat ng qualified gov’t workers at employees. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News