dzme1530.ph

DBM, bukas sa posibleng pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa sa gobyerno sa 2024

Bukas ang Dept. of Budget and Management sa posibleng pagtaas ng sweldo ng mga manggagawa sa gobyerno sa 2024.

Ito ang inihayag ni DBM Sec. Amenah Pangandaman sa kabila ng pangamba ni House Deputy Minority Leader Act Teachers Party-list Rep. France Castro na hindi makasama sa P5.768-trillion budget para sa 2024 ang salary increase ng government workers.

Ayon kay Pangandaman, sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund (MBF) 2024, naglaan sila ng P16.95 billion upang suportahan ang salary adjustment na posibleng isulong sa susunod na taon.

Bukod dito, naglaan din aniya ang DBM sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) ng P48 million para sa consultancy service na magrerebyu at magsusuri sa compensation and position classification system sa government sector.

Sa ngayon, sinabi ni Pangandaman na gumugulong pa ang pag-aaral ng Governance Commission for GOCCs at makapaglalabas sila ng resulta kaugnay rito sa Oktubre. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author