Naglabas ang Department of Budget and Management (DBM) ng limang daang milyong piso para sa Cancer Assistance Fund ng Department Of Health (DOH) upang matulungan ang mga pilipinong maysakit na kanser.
Sinabi ng DBM na ang kanilang inilabas na halaga ay bahagi ng kanilang Comprehensive Fund Releases para sa pagsisimula ng 2023.
Ayon sa ahensya, layunin ng CAF na mapunan ang umiiral na Financial Support Mechanisms para sa iba’t ibang cancer care and control services na hindi pa saklaw ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth at mga partially covered ng Malasakit Program.
Saklaw din ng pondo ang bayad sa mga outpatient at in-patient cancer control services, kabilang ang diagnostics, therapeutic procedures, at iba pang cancer medicines na kailangan para sa treatment at management ng cancer at care-related components nito.