dzme1530.ph

Dating Sen. Recto, tiyak na magiging magaling na Finance Secretary —SP Zubiri

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na magiging epektibo si dating Sen. Ralph Recto bilang bagong kalihim ng Department of Finance.

Ipinaliwanag ni Zubiri na sa Senado pa lamang noon ay itinuturing na nila si Recto bilang resident numbers genius.

Hindi lang aniya ito dahil sa kanyang mathematical ability kundi dahil sa kabyang abilidad na agad na makita ang mas malaking ng implikasyon ng mga numero.

Naniniwala rin ang senate leader na nauunawaan ni Recto kung paanong itutulay ang mga numero sa realidad na kinakaharap ng ating bansa na ang pinakalayunin ay umunlad ang ekonomiya. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author