Nagpasok ng not guilty plea si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista at kanyang dating City Administrator na si Aldrin Cuña sa kasong katiwalian kaugnay ng umano’y maanomalyang computerization project na nagkakahalaga ng P32-M.
Personal na inihain nina Bautista at Cuña ang kanilang plea sa arraignment sa kasong inihain ng Ombudsman, kung saan inakusahan sila na pinaboran ang Geodata Solutions upang mapunta rito ang kontrata para sa online occupational permitting and tracking system.
Ito ay sa kabila nang kawalan ng naturang kumpanya ng eksaktong budget para sa proyekto na inaprubahan ng City Council.
Sa pagharap sa media matapos ang arraignment, iginiit ni Bautista na politically motivated ang kaso, kasabay ng pagbibigay diin na 34 na taon niyang inialay ang sarili sa pagsisilbi sa Quezon City. —sa panulat ni Lea Soriano